Tuesday, August 28, 2012

ame ga furimasu
( ulan )
realgear kenken


Ulan ito siguro ang biyaya na maituturing ko na nagbibigay buhay sa mga nilalang.
Ulan ang siyang pumapawi  sa tigang na lupa,sanhi nitong tag-araw.

Ngunit aking natanto na sana'y maihalintulad ko sa ulan itong mga problema't kahirapan
na siyang nag-papahirap sa aking kaisipan. 
Na sa  bawat pagpatak at pag-agos nito sa lupa ay unti-unting nawawala.

At pagtapos nito ay may bagong liwanag na tatanglaw at mag-bibigay pag-asa 
sa pagod kong puso at isipan na sanhi ng mga di kanais-nais na bagay at pangyayari 
na nagaganap sa aking munting buhay.
Ang Buhay ay Weather 
Weather lang
Lag's

Sadyang ganito itong buhay,mahiwaga at matalinghaga
Minsa'y maulap,minsa'y maaraw,minsa'y matinik,minsa'y mapayapa.

May mga nilalang na sa buhay ay nagagalak
Sapagkat buhay ng iba ay kanilang pag-aari at hawak.

May mga isinilang na singhirap ng daga
Na sa buhay na dusta pag may tulong sa hapag-kaina'y tuwang-tuwa.

May ilang mga taong sumibol sa ibabaw ng mundo
Na nabubuhay sa kabalintuaan,silang mga masasamang damo.

Ang mga tao'y nilikhang may pangit,may maganda
May mga sa buhay ay may kaya at may mga nagdaralita.

Marahil dito sa ibabaw ay may mga taong nagbubuhay-hari
Subalit sa mata niya ang mga iyan ay mumunti.