Sunday, September 9, 2012



Salamat sa Regalo
rowel tiza

Sa simpleng paraan ako'y napasaya!
Nitong simpleng bagay,na nagmula sa kanya
Iniingatan ayaw magasgasan
Pagkat ito lang ang alaala na kanyang iniwan.

Munting regalo mo'y kayamanan  sa puso ko
Hindi mapapalitan,hindi malilimutan
Ito ang batatyan sa ating wagas na pagmamahalan
Maski hukay man hindi kayang hadlangan.

Salamat sayo,salamat sa regalo
Puso mo'y inialay,buhay mo'y ibinigay
Hanggang sa muli mahal ko
Magkikita pa rin tayo!!!

No comments:

Post a Comment